Isang taga-Bohol ang pinalad na makapag-uwi ng tumataginting na higit ₱18.6 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang six-digit winning combination ng Lotto 6/42 na 27-10-36-09-22-07 na may katumbas na jackpot prize na ₱18,611,973.00.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa San Miguel Public Market, San Miguel, Bohol.

Upang makubra ang kanyang premyo, pinayuhan ng PCSO ang lucky winner na magtungo sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City.

Kailangan din umano nitong iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

Muli namang hinikayat ng PCSO ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.