Tila nagkatotoo na ang "manifesting" na ginawa noon ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano na balang araw daw, magkakaroon sila ng isang baby boy at isang baby girl ng mister na si Direk Paul Soriano.

Ibinahagi ni Toni sa kaniyang Instagram story nitong Agosto 16 ang isang deleted post noong 2015 kung saan sinabi niyang darating ang araw na magkakaroon sila ng isang lalaki at babaeng anak ni Direk Paul.

"One day I'll have a boy and a girl," caption ni Toni sa kaniyang Instagram post noong Enero 10, 2015.

Kuwento ni Toni, isang magkapatid na lalaki at babae ang nakita niya noon sa bansang Japan, habang sila ay nagsho-shooting ng "Home Sweetie Home," ang sitcom nila noon ni John Lloyd Cruz sa ABS-CBN.

Mga magulang ni Toni Gonzaga flinex ang ikalawang apo

"I remember this post, I deleted after... I saw a boy and a girl sibling in Japan... Cute na cute ako, I asked the mom if I can play and take pics with them..." ani Toni.

Photo courtesy: Toni Gonzaga's IG

Pumayag naman daw ang nanay ng mga bata para sa isang photo opportunity kasama ang mga bata.

Makalipas umano ang walong taon, heto't finally ay tila nagkatotoo ang dating minanifest lamang ng actress-TV host.

Nagsilang si Toni noong Biyernes, Agosto 11 sa St. Luke's Hospital in Bonifacio Global City, Taguig. Ngayon pa lamang ay may pangalan na itong "Paulina Celestine."

"Mommy @celestinegonzaga with Paulina Celestine #BabyGirl #GirlDad #GodisGood," anang Paul sa kaniyang Instagram post.

Ibinida naman nina Bonoy at Pinty Gonzaga ang kanilang bagong apo sa socmed kamakailan.

Ang salitang "manifesting" ay nauusong termino o tawag ngayon sa mga bagay, pangarap, o adhikaing nais maabot o mangyari para sa sarili.

Ang panganay na anak naman nina Toni at Paul ay si "Severiano Elliott" o mas kilala sa tawag na "Seve."