Muling inalala ni Senadora Risa Hontiveros ang binatilyong pinaslang ng mga pulis na si Kian delos Santos sa ikaanim na anibersaryo ng kamatayan nito nitong Miyerkules, Agosto 16.
“Anim na taon na mula noong pinatay si Kian delos Santos. 17 years old noong pinaslang nang walang kalaban-laban,” pahayag ni Hontiveros.
Matatandaang 2017 nang barilin umano ng mga pulis ang Grade 11 student na si Kian at tinamnan pa ng isang sachet ng meth sa gitna ng umano’y anti-drug operation sa Caloocan City.
“Tama na po, may exam pa ako bukas,” saad pa umano ni Kian bago ang nasabing pagbaril sa kaniya.
“Today, on the death anniversary of Kian delos Santos, we are reminded of the urgent action we need to take on for the many young lives we've lost to trigger-happy and cruel cops,” ani Hontiveros.
Samantala, nagpahayag din ng pagkalungkot ang senadora sa pagpaslang ng mga pulis kamakailan lamang sa binatilyong si Jemboy Baltazar mula sa Navotas City matapos itong mapagkamalang suspek.
MAKI-BALITA: 17-anyos na binatilyo napagkamalang suspek, napatay ng PNP
“Nakakalungkot na kamakailan lang may pinaslang na naman na isang walang kalaban-laban na bata, si Jemboy. 17 years old din noong binaril ng kapulisan,” ani Hontiveros.
“#RememberKianDelosSantos, #RememberJemboyBaltazar, #RememberCarlArnaiz, #RememberReynaldoDeGuzman & the many children killed in the murderous drug war,” saad pa niya.