Nagsampa ng kaso ang mga miyembro ng Hijos Del Nazareno (HDN) Central laban sa drag queen na si Amadeus Fernando Pagente o mas kilala bilang Pura Luka Vega nitong Huwebes, Agosot 17, dahil umano sa kontrobersyal na “Ama Namin” drag performance nito.

Sa isinampang kaso sa Manila City Prosecutor's Office, inakusahan ng HDN Central si Pagente na lumabag sa Article 201 ng Revised Penal Code (Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions, and Indecent Shows), kaugnay sa Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Ayon kay HDN Central President Val Samia, matagal umanong pinagnilayan ng kanilang grupo nang “may malawak na kaisipan” at nagsagawa rin ng pagpupulong kasama ang mga deboto, mga pari, mga abogado, at layko bago sila humantong sa desisyong magsampa ng pormal na reklamo laban sa drag queen.

"Ang pagsasampa ng kaso kay Ginoong Pagente ay hindi pag-atake sa kaniyang pagkatao bilang isang kasapi ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer or questioning persons or the community (LGBTQ+) at lalong hindi para supilin ang larangan ng sining. Hindi po ito ang usapin dito," ani Samia.

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

"Ginoong Pagente, ang pagsasampa ng kasong ito laban sa inyo ay ang mismong pagbibigay ng pagkakataon para sa inyo para ipagtanggol ang inyong sarili sa isang matuwid at legal na proseso," dagdag pa niya.

Iginiit din ng lider na pinatunayan umano ng pagdeklarang persona non grata ng ilang mga lugar sa bansa kay Pagente na “na-offend” ng drag queen ang karamihan sa mga Pilipino.

"Ang resulta po nito ay isang malalim na sugat sa aspektong spiritual, moral, at mental sa ating mga Pilipino, bilang mga mamamayan na niniwalan na ang Diyos ay buhay at naninirahan sa bawat puso natin," saad ni Samia.

Matatandaang idineklara ngang persona non grata si Pagente sa Maynila, Cebu City, Laguna, Nueva Ecija, Cagayan de Oro City, Bukidnon, General Santos City sa South Cotabato, Floridablanca sa Pampanga, at Toboso sa Negros Occidental.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega persona non grata sa Maynila

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, persona non grata na rin sa Cebu City

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, idineklarang persona non grata sa Laguna

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, persona non grata na rin sa Nueva Ecija, Cagayan de Oro

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, idineklarang persona non grata sa Bukidnon

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega persona non grata sa GenSan

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega idineklarang persona non grata sa isang bayan sa Negros Occidental

Ang HDN Central, isang samahan ng mga Katoliko na kinikilala sa Quiapo Church, ang kumakatawan umano sa mga deboto ng Itim na Nazareno sa Pilipinas.

Samantala, habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon o pahayag si Pagente hinggil sa isinampang kaso ng HDN Central.

Matatandaan namang nauna nang sinampahan ng kaso si Pagente ng ilang religious leaders.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega kinasuhan dahil sa ‘Ama Namin’