Patuloy pa rin ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Huwebes, Agosto 17, bunsod ng southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA bandang 4:00 ng umaga, malaki ang tiyansang magkaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, BARMM, Palawan, at Southern Leyte dulot ng habagat.

Maaari umanong magkaroon ng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Samantala, posibleng magkaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang panandalian o biglaang pag-ulan, pagkidlat at pagkulot sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod ng habagat o localized thunderstorms.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Pinag-iingat din ang mga residente rito sa posible umanong pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa ngayon ay wala naman umanong mino-monitor ang PAGASA na bagyo o low pressure area sa loob at labas ng Philippine area of responsibility, kaya’t maliit umano ang tiyansang magkakaroon ng bagyo sa bansa sa mga susunod na araw.