Nanawagan ng hustisya si Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares nitong Huwebes, Agosto 17, para sa mga napaslang na binatilyong sina Jemboy Baltazar at Kian delos Santos.

Matatandaang 2017 nang barilin umano ng mga pulis ang 17-anyos na si Kian sa gitna ng umano’y anti-drug operation sa Caloocan City.

MAKI-BALITA: ‘Remember Kian’: Hontiveros, ginunita 6th death anniversary ni Kian delos Santos

Nito lamang namang Agosto nang mapaslang ng mga pulis ang 17-anyos ding si Jemboy mula sa Navotas City matapos naman itong mapagkamalang suspek.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

MAKI-BALITA: 17-anyos na binatilyo napagkamalang suspek, napatay ng PNP

“Six years apart, two different administrations, yet the same socio-political conditions. Our people, especially the poor remain helpless victims of injustice and brutality,” pahayag ni Colmenares.

Binigyang-diin din ng Bayan Muna chairperson na dapat umanong panagutin ang mga state enforcer na responsable sa pagkamatay ng dalawang binatilyo.

“We demand that justice be served for Jemboy, Kian, and the families of thousands of extra-judicial killings and impunity victims,” ani Colmenares kasama ang hashtag na #EndImpunity.