Tinatayang 73.73% o 3,982 sa 5,401 examinees ang pasado sa August 2023 Medical Technologists (MedTech) Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Agosto 17.
Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Sam Jeffrey Bitao Tiongco mula sa Saint Louis University bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 93.30% score.
Samantala, hinirang na top performing school ang Saint Louis University matapos umano itong makakuha ng 100% overall passing rating.
Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Agosto 12 hanggang Agosto 13 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.