Isang Caviteño at isang Cebuano ang maghahati sa ₱31.7 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Agosto 16.
Nang bolahin nitong Martes, Agosto 15, tagumpay na nahulaan ng dalawang lucky winner mula sa Imus, Cavite at Lapu-Lapu City, Cebu ang winning combination na 12-05-01-30-09-14 na may jackpot prize na ₱31,725,228.00.
Upang makubra ng premyo, kinakailangan lamang magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.
Kailangan din magprisinta ng dalawang balidong ID at ang winning ticket.
Paalala naman ng PCSO, ang lahat ng lotto winnings na lampas sa ₱10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa itinatakda ng TRAIN Law.
Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon matapos ang araw nang pagbola dito ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kanilang Charity Fund.
Binobola ng PCSO ang Super Lotto tuwing Martes, Huwebes, at Linggo