Nauwi sa aksidente ang masaya sanang "laro ng lahi" ng ilang residente mula sa Barangay Lerma, Naga City noong Biyernes, Agosto 11, matapos mabali ang mahaba at nakatirik na kawayan para sa larong "palosebo."
Ang palosebo ay isang tradisyunal na larong Pinoy kung saan ang mga kalahok ay mag-uunahang makarating sa tuktok ng kawayang nakatayo at nilalagyan pa ng langis o mantika upang dumulas. Kailangang makuha ng kalahok ang nakatirik na banderitas o maliit na flag doon.
Sa viral video na inupload ng content creator na si "Boy Lodi Official," makikita ang pagkabali ng kawayan dahil sa mga kalahok na umakyat dito.
Nagpalaro ng palosebo ang barangay dahil sa kanilang kapistahan.
Ayon sa ulat, tatlong lalaki ang malubhang nasaktan at kaagad na naitakbo sa ospital.
"SA MGA NAIS PONG MAGBIGAY NG KAUNTING TULONG (ANY AMOUNT) PARA SA NA AKSIDENTE HABANG NAG LALARO NG LARO NG LAHI (PALOSEBO) JUST CONTACT MY FB ACCOUNT (JUN ATON )THANK YOU," pahayag pa ni Boy Lodi.