National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

Sinuspindi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang klase sa pampublikong paaralan at pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Metro Manila at Bulacan upang bigyang-daan ang pagbubukas ng 2023 FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena sa Bocaue sa Bulacan sa Agosto 25.

Sa Memorandum Circular No. 27 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Agosto 15, binanggit na ang nasabing hakbang ay bahagi rin ng pangako ng pamahalaan para mapalawak ang pakikilahok nito sa sports development.

"The President also emphasized the suspension of government work and classes in public schools is the government’s effort to provide full support and assistance to the Philippine Sports Commission (PSC) in ensuring the safe, orderly, and successful opening ceremonies of the FIBA Basketball World Cup 2023," ayon sa pahayag ng Malacañang.

Gayunman, bukas o may pasok pa rin ang mga ahensyang may kaugnayan sa basic at health services at pagtugon sa mga kalamidad ang kanilang trabaho.