National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Mapakikinabangan ng mga benepisyaryo ang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito ang tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pulong balitaan sa Malacañang nitong Miyerkules.

Gayunman, hindi binanggit ni Gatchalian ang pondong nakalaan sa programa.

Tiniyak din ng opisyal na minamadali na nila ang pamamahagi ng nasabing financial assistance kasunod ng isinagawa nilang reassessment ng mga pamilyang miyembro ng programa.

“Medyo mayroon lang tayong delay sa disbursing this year dahil kung matatandaan natin, ang basis ng 4Ps ay iyong Listahanan and the last Listahanan – Listahanan III – was supposed to be conducted in the period of 2019/2020. These were the Covid years ng lockdown," anang opisyal.

"During the pandemic, approximately 800,000 families that had been initially removed from the list due to reported improved conditions found themselves struggling once more due to the economic repercussions of the crisis. Ang naging desisyon ng Departamento ay mag-reassess. So, ongoing iyong reassessment ngayon at matatapos iyan ng September para talagang masigurado natin na masala natin nang mabuti iyong dapat kasama sa 4Ps program, kasama sa program," dagdag pa ng opisyal.