Idineklara na ring persona non grata si Pura Luka Vega sa lalawigan ng Nueva Ecija at sa Cagayan de Oro City matapos ang kaniyang naging kontrobersiyal na “Ama Namin” drag performance habang ginagaya umano si Hesukristo.

Inaprubahan umano ng 31st Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang isang resolusyon na nagdedeklara sa kontrobersiyal na drag queen bilang persona non grata sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa nasabing resolusyon, marami umano sa mga mananampalatayang Kristiyano ang “nasaktan” sa “offensive” drag performance ni Pura.

Pagdating naman sa Cagayan de Oro City, inaprubahan umano sa ng Sangguniang Panglungsod ng Cagayan de Oro ang Resolution 2023-478 na nagdedeklara sa drag queen na persona non grata sa siyudad. 

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ang naturang desisyon laban kay Pura ay dahil umano sa “serious disrespect and mockery of the Christian faith by portraying himself as the Black Nazarene, dancing to a remix of Ama Namin on a recent viral video."

Tinawag naman ni Councilor Ian Mark Nacaya, principal author ng resolusyon, ang ginawa ni Pura na "sacrilegious,” "disrespectful,” at lumabag umano sa Article 133 ng Section 4 o ang “Offending the Religious Feelings” ng Revised Penal Code.

Sa ilalim ng Article 133, ang sinumang gumawa ng mga aktibidad na kilalang nakakasakit sa mga mananampalataya sa relihiyon habang nasa isang lugar ng pagsamba o habang nakikilahok sa isang relihiyosong ritwal ay mahaharap sa mga parusa mula sa arresto mayor hanggang prision correctional.

"You are violating the law. You are offending the faithful's feelings. And for a Christian nation, you are not a person with dignity," saad pa ni Nacaya.

Bukod sa Nueva Ecija at Cagayan de Oro, naideklara na ring persona non grata si Pura sa iba pang lugar sa bansa kabilang na ang Maynila, Bukidnon, General Santos City sa South Cotabato, Floridablanca sa Pampanga, at Toboso sa Negros Occidental.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega persona non grata sa Maynila

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, idineklarang persona non grata sa Bukidnon

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega persona non grata sa GenSan

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega idineklarang persona non grata sa isang bayan sa Negros Occidental

Matatandaang kamakailan lamang ay nagbigay naman ng reaksyon ang drag queen sa pagkaka-persona non grata ng ilang mga lungsod at probinsya sa kaniya.

“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” ani Pura.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, nag-react sa halos sunod-sunod na pagka-persona non grata