Inanunsyo ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at CEO Alejandro Tengco na magbubukas para sa auction ang nabanggit na state-owned casino at gambling regulator ng bansa para sa pribatisasyon.

Ayon sa house committee hearing noong Lunes, Agosto 14, ang selling price para sa PAGCOR ay nasa pagitan ng ₱60B-₱80B, malayo sa estimated selling price na ibinigay umano ng Department of Finance (DOF) na ₱200B-₱250B.

"Ang original estimate ng DOF was something like ₱200 billion to-₱250 billion," ani Tengco.

"Hindi po mangyayari 'yon dahil walang property na kasama na ibinebenta ang PAGCOR. So we’re looking at about ₱60 to ₱80 billion,” dagdag pa ni Tengco.

Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage

Ayon pa umano kay Tengco, magsisimula ang privatization ng 45 properties ng PAGCOR sa third quarter, pinakamaaga na ang 2025. May pagsang-ayon na umano rito si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Dagdag pa raw ni Tengco, tayo lamang daw ang bansa sa buong mundo na pamahalaan ang nagbibigay na nga ng lisensya sa gambling, ito rin ang operator pa.

"PAGCOR should purely be a regulator. We are the only one in the world that acts as a regulator and operator," aniya.

Dagdag pa niya, “It is inappropriate and unethical because we give licenses and yet we also operate."

Tila hindi naman sang-ayon dito si Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez dahil maaari daw mawalan ng kita ang pamahalaan kung pribadong sektor na ang hahawak sa PAGCOR. Dahil dito, gagawa umano ng resolusyon si Rodriguez upang salungatin ang pribatisasyon nito.