Naging emosyonal ang Kapamilya actress na si Nikki Valdez nang tanggapin niya ang kauna-unahang tropeo mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS), isa sa mga prestihiyosong award-giving body para sa industriya ng showbiz dito sa Pilipinas.

Si Valdez ang itinanghal na "Best Supporting Actress" para sa pelikulang "Family Matters" na "Best Picture" naman, para sa 71st FAMAS awards night noong Linggo, Agosto 13 na ginanap sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.

Hindi makapaniwala si Valdez na siya ang nagwagi sa nabanggit na kategorya. Sa tagal ng Star Magic artist sa industriya, ngayon lamang siya nakasungkit ng FAMAS.

Ganoon na lamang ang tears of joy ni Nikki nang tanggapin niya ang parangal sa entablado; hindi man nakapaghanda ng speech ay pinasalamatan niya ang mga taong nagbigay sa kaniya ng suporta upang mas paghusayan pa ang kaniyang craft.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Siyempre, inialay niya sa Diyos at pamilya ang kaniyang parangal.

Hindi makapaniwala si Nikki dahil pinanonood lamang daw niya ang seremonya ng FAMAS noon. Kung masarap na sa pakiramdam na ma-nominate siya, mas masarap daw ang pakiramdam na hawak na niya ang tropeo.

Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi niya ang kaniyang pasasalamat sa pamunuan ng FAMAS.

"As I type this, I am trying to put myself together because I am still grieving the loss of my boy Travis but have something to be truly grateful for at the same time.

"This picture was taken right as I got off the stage after my acceptance speech and yes, I was ugly crying, shaking and very much overwhelmed with what was going on," anang Nikki.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo ako sa FAMAS!!! 😭😭😭Pinapanood ko lang ito nung bata ako and masayang masaya ako para sa mga nananalo. Ramdam kong umaapaw ang saya sa puso nila. Kagabi sabi ko sa sarili ko, 'ito pala yung feeling na yun.'"

"This award will only make me continue to give my very best in what I do and the people I work with. Pagbubutihin ko pa po lalo para mas maraming macontribute sa industriyang araw-araw kong pipiliin."

"Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat!" pasasalamat pa ni Nikki.

Sa isa pang bukod na Instagram post ay ibinahagi ni Nikki ang video ng kaniyang acceptance speech.

"Here is my COMPLETE acceptance speech at last night’s 2023 FAMAS Awards. Everything my heart wanted to say is here. 💖

"Thank you again and again to the FAMAS Board and Jury for this recognition. 🙏🏼"

Sa kasalukuyan, napapanood si Nikki sa GMA-ABS-CBN-Viu collab series na "Unbreak My Heart" na kasalukuyan pa ring umeere sa Primetime.