Camp Olivas, San Fernando, Pampanga — Naaresto ang umano’y apat na tulak ng droga kabilang ang isang high-value individual (HVI) at nakumpiska ang ₱828,000 halaga ng iligal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Tarlac at Angeles City, ayon sa ulat nitong Martes.

Kinilala ng Angeles City Police Station 5 ang naarestong HVI na si Ryan Pineda ng Barangay Pampang, Angeles City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa isinagawang buy-bust operation sa Friendship Highway sa Barangay Cutcut Angeles City, nasamsam sa kaniya ang apat na heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 60 gramo at at halagang ₱408,000.00

Nagsagawa rin ang Tarlac City Police ng anti-illegal drug operation sa Barangay San Juan Bautista kung saan naaresto ang mga suspek na sina Jay-R Ibarra, Aries Bautista, and Jerome Jurado.

Nasamsam ng awtoridad ang apat na cellophane-sealed bricks at dalawang cellophane-sealed rolls na naglalaman ng drief marijuana leaves na may kabuuang timbang na 3.5 kilo na may tinatayang halagang ₱420,000.00.

Bukod dito, nakumpiska rin ang isang Yamaha Aerox, tricycle, at tatlong android na cellphone.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng Art. II ng RA 9165.