Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Cagayan dakong 11:07 ng gabi nitong Lunes, Agosto 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 10 kilometro.
Namataan ang epicenter nito 47 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Gonzaga, Cagayan.
Naramdaman ang Instrumental Intensity II sa Peñablanca at Gonzaga, Cagayan.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.