Walang bagyo sa Philippine area of responsibility at sa labas ng bansa.

Ito ang paglilinaw ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Agosto 14 at sinasabing ang naranasang pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, ay epekto lamang ng southwest monsoon.

Kabilang din sa makararanas ng patuloy na pag-ulan ang malaking bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Babala pa ng PAGASA, posible ring makaranas ng pagbaha at landslides sa mga nasabing lugar sa mga susunod na araw.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Matatandaang sinabi ng PAGASA na inaasahang papasok sa bansa ang dalawa hanggang tatlong bagyo ngayong Agosto kung saan posibleng tamaan ang Northern Luzon o extreme Northern Luzon.