Naniniwala ang "Parokya ni Edgar" lead vocalist at "The Voice Generations" coach na si Chito Miranda na ang maituturing na golden age era ng Original Pilipino Music o OPM ay ngayong panahon at hindi noong dekada 90.

Sa kaniyang Instagram post nitong Agosto 13, 2023, ipinaliwanag ni Chito ang kaniyang saloobin kung bakit para sa kaniya, ang tunay na golden age ng OPM ay ang kasalukuyang era.

Hindi naman daw maitatangging sobrang saya ng 90s pagdating sa mga kagaya nilang banda.

"Maraming nagsasabi na Golden Age ng OPM yung 90s."

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"Sobrang saya naman kasi talaga nun 90s dahil sa Eheads, Rivermaya, PNE, Siakol, Color It Red, Teeth, Wolfgang, Yano, Razorback, Alamid, Youth, Grin Dept, at napakarami pang iba...at kahit saan ka kasi magpunta, maririnig mo yung kanta ng mga banda."

"Pero nung time na yun, we were all underpaid, hati hati kami sa isang hotel room, kadalasan walang decent backstage or dressing room, di maganda yung soundsytem...at kahit sobrang sikat na ng mga bands, para pa rin kaming mga 2nd class citizens compared sa mga mainstream singers and artistas. Pero we loved it kasi 'tangina, rakenrol kami eh!'🤟🏻😎 and we loved the fact that we were outcasts, kasi it was cool not to be a part of their system."

"Sobrang saya ng 90s.❤️"

"Pero for me, ngayon ang Golden Age ng OPM."

"Artists and bands now don't need mainstream media and recording companies anymore (not that mainstream media nor having a recording contract is a bad thing), but artists now are no longer dependent on them to make it big."

"Pwede na silang magsulat lang basta ng kung anong trip nila, without considering kung 'patok ba sa masa' or kung 'radio friendly' ba yung kanta✌🏼😁 pwede sila mag-record at mag-release kung kelan nila gusto."

"Kaya sobrang solid ng mga artists ngayon eh... kasi naririnig talaga natin yung actual artistic intention nila without compromise."

"Kumbaga sa painting, we get to see their most honest artwork... tapos nakakatuwa kasi sobrang patok sa mga Pinoy.😊👍🏻"

"Tapos, ang masaya dun, bands and artists now get paid, and are treated, like celebrities.🤟🏻😊❤️"

"Mula sa mga oldies namin tulad ng PNE and KMKZ, hanggang sa mga younger artists like Ben&Ben, DecAve, Zack Tabudlo, Flow G, SB19, etc... all are now treated how artists should be treated.❤️"

"Sobrang ganda na ng mga Music Festivals, with kids actually buying tickets, backed up by major sponsors, sobrang ganda ng mga stage, and world class yung sound sytem, naka-business class na palagi... wala kaming ganito nung 90s."

"1st hand ko nakita at na-compare yung value na binibigay nila sa bands noon at ngayon...and sobrang saya ko na ganito na nila i-treat yung mga bands ngayon."

"Mabuhay ang OPM," ani Chito.

Nagkomento naman dito ang lead vocalist ng bandang Rivermaya na si Rico Blanco.

"💯 klasmeyt. so many great artists no matter what era."

Sey naman ng young artist na si Zack Tabudlo, "Kayong mga legends ang nag-pave ng way para saming mga kabataan kuys!! labyu kuya chito miss u!"

Matapos ang komento ni Rico ay muling nag-post ng kaniyang paglilinaw si Chito.

"PS Gusto ko lang i-add (as pointed out by my Kuya Rico Blanco✌🏼😅) na sooobrang galing ng mga Pinoy artists, no matter what era...and I totally agree."

"I want to clarify lang that I wasn't trying to point out na mas magagaling yung mga kids now compared sa mga 90s bands, or vice-versa, or na mas ok yung 90s kesa sa 80s, and so on... and tulad nga ng sinabi ni Tito Rico, madami talagang magagaling na Pinoy artists, regardless ng era...but what I appreciate with how things are now, is that the bands and artists, both old and new, are now treated with value...much more that before."

"Example na lang: Ben&Ben, nag-solo concert, 60k yung nagpunta...can you imagine? Nasa ganung level na ang OPM bands ngayon."

"Grabeng nakakatuwa di ba? Wala lang...saad pa ni Chito.