Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Sultan Kudarat nitong Lunes ng madaling araw, Agosto 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 3:05 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 156 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat, na may lalim na 520 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.