Sinimulan na nitong Lunes ang public viewing sa mga labi ng yumaong dating Bise Alkalde ng Maynila na si Danilo 'Danny' Bautista Lacuna.

Nabatid na ang mga labi ni Lacuna ay kasalukuyang nakalagak sa Cosmopolitan Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Bukas ang public viewing para sa lahat ng nais na magbigay ng kanilang huling respeto sa dating bise alkalde hanggang Huwebes, Agosto 17, mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi.

Samantala, nakatakda namang ihatid ang dating bise alkalde sa kanyang huling hantungan sa Biyernes, Agosto 18.

Matatandaang si Lacuna ay pumanaw sa edad na 85-anyos nitong Linggo ng umaga, Agosto 13, 2023.

Naulila niya ang kanyang maybahay na si Melanie “Inday” Lacuna at limang mga anak na sina Mayor Honey Lacuna,  Dennis, Liza at incumbent Manila Councilors Lei at Philip.

“A man of great service and compassion, Danny touched many, creating a life that spans further than just his years and into the hearts of us all where he will remain forever,” ayon sa post ng alkalde.

Si Vice Mayor Danny ay nagsilbi bilang Konsehal ng Maynila mula 1968 hanggang 1975 at Vice Mayor ng Maynila sa mga taong 1970 hanggang 1971, 1988 hanggang 1992 at ang pinakahuli ay mula 1998 hanggang 2007.

Itinatag niya rin ang lokal na partido politikal na Asenso Manileño kung saan kabilang si Mayor Lacuna at dating Manila Mayor Isko Moreno.

Si Vice Mayor Danny din ay nagsilbing adviser ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) sa panahon ng kanyang panunungkulan.