Sa kabila ng mga umano’y isyu hinggil sa pagkamatay ng Mister Cagayan de Oro candidate, nagbigay-mensahe ang nobya nitong si Jone Leanel Orog sa pamamagitan ng isang Facebook post kamakailan.
Sa isang Facebook post ni Orog noong Agosto 10, nagbigay-mensahe siya sa kaniyang namatay na nobyong si Adriane Rovic Fornillos. Aniya, inalala niya ang sinabi ng nobyo na dadalhin daw siya nito sa altar para pakasalan tatlong taon mula ngayon.
“Ang sabot nato dalhon ko nimo sa altar para pakaslan 3 years from now. Pero imong picture naman noun ang nakapatong sa ako altar karun, love,” ani Orog.
Inihandog din ni Orog ang immortal rose na regalo sa kaniya ng nobyo.
“I also laid one of your gifts for me on the altar. You gave me an immortal rose that was enclosed in glass rather than offering me fresh flowers, last Valentine's day(Feb 14, 2023). Last flower naman diay, bantog dili na mamatay nga rose gihatag,” aniya.
Nagpapasalamat din siya kay Fornillos dahil sa pagbisita nito sa kaniyang panaginip.
“Gone for 3 months today.. Thank you for visiting me in my dreams for 3 days straight, my love. I'm missing you every single day.”
Ang nasabing post ay agad pinag-usapan online dahil nakakuha ito ng mahigit 10k shares at 46k reactions.
Matatandaang napabalita noong Mayo 9 ang naging pamamaril umano kay Fornillo nang magtungo ito sa Barangay Nazareth para sa paghahanda niya sa nalalapit na pageant.
Nito lamang namang Agosto, kumalat sa social media ang umano’y dahilan ng pagpaslang kay Fornillo matapos mag-viral ang post ni Orog.
Ayon sa mga kumakalat online, “sugar daddy” umano ni Orog si Bishop Dimver Andales— na siya ring itinuturong nagpapatay umano kay Fornillo.
Gayunpaman, pinabulaanan ito ng nadawit na pastor sa kaniyang panayam ng iFM CDO nito lamang Sabado, Agosto 12. Sinabi ni Andales na wala raw batayan ang mga isyung ibinabato sa kaniya.
Maki-Balita: Pastor na itinuturong ‘sugar daddy’ at utak sa pagpaslang sa Mister CDO candidate, nagsalita na