Matagumpay na naidaos ang 71st Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) nitong Linggo, Agosto 13 na ginanap sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.

Big winner sa nabanggit na award-giving body ang pelikulang "Family Matters," isa sa mga entry noong nagdaang "Metro Manila Film Festival 2022, sa araw ng Kapaskuhan.

Itinanghal na Best Actor ang isa sa mga cast member ng pelikula na si Noel Trinidad, at Best Supporting Actress naman si Nikki Valdez. Best Picture din ang pelikula.

Nasa kanila rin ang Best Editing (Beng Bandong), at ang partner dito ni Noel na si Liza Lorena ay ginawaran ng Susan Roces Celebrity Award.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ang Best Supporting Actor naman ay nakamit ni Sid Lucero para sa pelikulang "Reroute." Siya rin ang Male Star of the Night. Ang Best Director naman ay nakamit ni Ma-an Asuncion-Dagñalan ng “Blue Room."

Si Nadine Lustre ang tinanghal na Best Actress para sa pelikulang "Greed." Ito na ang pangalawang beses na makasungkit ng FAMAS ang aktres. Siya naman ang Face of the Night. Counterpart naman niya sa male category si Mon Confiado.

Narito ang iba pang mga nagwagi ng parangal sa iba't ibang kategorya:

Best Screenplay- Abet Raz at Alejandro Ramos (La Traidora)

Best Cinematography- Neil Daza (Blue Room)

Best Production Design- Eero Yves Francisco (Leonor Will Never Die)

Best Musical Score- Jazz Nicolas at Mikey Amistoso (Blue Room)

Best Sound- Alizen Andrade at Immanuel Verona (Reroute)

Fernando Poe Jr. Memorial Award- Senador Lito Lapid

Dr. Jose R. Perez Memorial Award- Jun Urbano

German Moreno Youth Achievement Award/Female Star of the Night- Jillian Ward

FAMAS Lifetime Achievement Award- Marita Zobel

FAMAS Exemplary Award in Public Service- House Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Best Short Film- “Golden Bells” ni Kurt Soberano