Mahigit sa 5,000 pulis-Metro Manila ang ipakakalat sa pagbubukas ng klase sa Agosto 29.

Metro

Inuman ng mga kabataan, nauwi sa batuhan at sapakan sa kapitbahay

Ito ang tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez ntong Lunes.

Aniya, nakikipag-usap na sila sa Department of Education (DepEd) para sa paglalagay ng mahigit sa 600 police assistance desks (PADs) malapit sa entrance gate ng mga paaralan.

Ang mga nasabing PAD ay babantayan ng 1,572 pulis na tatanggap ng mga reklamo o iba pang katanungan ng mga estudyante, guro, at magulang.

“The police officers will intensify law enforcement activities at schools, transportation hubs, and places of convergence to secure students, guardians, and teachers from crime incidents such as physical injuries, robbery, and theft among others,” anang opisyal.

Inaasahang nasa 1,262 private at public schools ang magsisimula ng klase sa Agosto 29.

PNA