Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) na kasado na sa darating sa Agosto 31 ang face-to-face mass oathtaking para sa mga bagong interior designer ng bansa.

Sa Facebook post ng PRC noong Sabado, Agosto 12, magaganap ang in-person oathtaking para sa bagong interior designers sa Agosto 31, sa Centennial Hall, Manila Hotel, One Rizal Park sa Maynila.

“All successful examinees who are interested to attend the face-to-face mass oathtaking shall register not later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” anang PRC.

“Inductees must PRINT the Oath Form with the generated QR code which will be submitted during the oathtaking to be tagged as ‘attended’,” dagdag nito.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Inabisuhin din ng Komisyon ang mga lalahok sa in-person oathtaking na dalhin ang kanilang vaccination card o ang kanilang negative RRT-PCR results na kinuha sa loob ng 48 oras bago ang oathtaking.

“It is advised that inductees register and confirm their attendance in the regions where they took their licensure examination and intend to register as professionals,” saad pa ng PRC.

Para naman sa mga hindi makakadalo sa nakatakdang face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin umano silang dumalo sa pamamagitan ng isasagawang online oathtaking o humiling ng isang special oathtaking.

“Online Oathtaking announcements will be posted once the schedule is confirmed,” anang PRC.

"After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph," saad pa nito.