Nagpasalamat si Senate President Juan Miguel Zubiri sa lalawigan ng Bukidnon matapos ideklarang persona non grata ang drag queen na si Pura Luka Vega, kaugnay ng kaniyang viral video na nagpapakita ng drag art performance sa panggagaya kay Hesukristo, at paggamit ng "Ama Namin" remix bilang background music.

Ibinahagi ni Zubiri ang isang ulat ng pahayagan tungkol dito sa kaniyang verified Facebook account na "Senator Migz Zubiri" noong Agosto 10, 2023.

"God bless Bukidnon! Salamat Bukidnon!" aniya sa caption.

Pura Luka Vega, idineklarang persona non grata sa Bukidnon

Matatandaang isa si Zubiri sa mga kumondena sa nabanggit na drag art performance ni Vega, sa kasagsagan ng pagkalat ng video nito sa social media.

Noong Hulyo 13, sinabi ni Zubiri na maaaring maharap sa criminal charges ang drag artist dahil sa kaniyang ginawa.

"This is the height of the misuse and abuse of our freedom of expression that borders on criminal activity."

"It offends the sensibilities of our Christian brothers and sisters, deeply demeans the faith of millions of Filipinos, and dangerously scales the boundaries of protected speech and expression," aniya sa kaniyang pahayag.

Ilang religious leaders na nga ang naghain ng pormal na kaso laban kay Vega.

https://balita.net.ph/2023/08/02/pura-luka-vega-kinasuhan-dahil-sa-ama-namin/