Tila sinita ni dating senate president Tito Sotto III ang website ng GMA Network matapos bumulaga ang larawan nila ng TVJ dito, at may logo pa ng "Eat Bulaga!"

"Look! GMA website as of yesterday. Kami talaga!" pahayag ng "E.A.T." host sa kaniyang X post noong Agosto 11.

https://twitter.com/sotto_tito/status/1689845340311347200

Ayon naman sa mga netizen, baka hindi lamang na-update ang website kaya naroon pa rin ang lumang larawan ng TVJ, noong nasa GMA pa sila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"singilin mo na ang GMA ng Royalty.."

"So ngayon? Move on na, ngayon busy ka sa TV kasi ligwak ka gobyerno - tigilan mo nga kami."

"Siempre naman Sir, kasi global market target nila dyan kaya ang sikat na TVJ ang ibabandera nila sa mga kababayan around the world para tangkilikin dahil kayo lang talaga ang dapat bumulaga sa EAT BULAGA tulad nung bumulaga kayong tatlo galing sa lata ng sardinas nung araw."

"ang kapal ng feslak talaga ng gma para gamitin pa din tvj"

"Paging GMA pakibago na... isalpak ninyo yung mga bagong hosts"

Matatandaang noong Mayo 31, 2023 ay nag-alsa balutan ang TVJ at iba pang "legit Dabarkads" mula sa GMA at lumipat sa TV5, kaugnay ng isyu nila sa pamunuan ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE), producer ng Eat Bulaga.