Nagbahagi ang Masungi Georeserve ng larawan ng kanilang puno ng Tibig na maituturing na katutubo sa Pilipinas.

Sa isang Facebook post nitong Linggo, Agosto 13, inihayag ng Masungi na ang Tibig Tree (Ficus nota) ang isa umano sa walo nilang nadokumentong Ficus species doon.

“Several clusters of its fruits that sprout from its branches all year round often spark curiosity among visitors,” anang Masungi sa isang Facebook post nitong Linggo, Agosto 13.

“The Tibig tree is an indication that a water source—and a clean one at that—is nearby.”

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga ginagawa ng mga Tsinoy tuwing Chinese New Year

“The abundance of this fruit-bearing tree in Masungi also shows how limestone formations, as water-bearers, form a crucial part of the water cycle,” dagdag pa nito kasama ang hashtag na #SaveMasungi.

Hindi ito ang unang beses na nagbahagi ang Masungi Georeserve ng mga larawan ng mga halaman o hayop na matatagpuan doon.

Kamakailan lamang, isang indigo-banded kingfisher ang malaya umanong nakalilipad sa Masungi Georeserve.

MAKI-BALITA: Isang indigo-banded kingfisher, namataan sa Masungi