Ikinawindang ng mga netizen ang naging sagot ng college graduate na nagtapos na summa cum laude at NCPAG class valedictorian ng UP Diliman na si Val Llamelo sa segment ng noontime show na "E.A.T." na "Babala! 'Wag Kayong Ganuuun...' nitong Saturday episode, Agosto 12.

Dito ay ibinahagi ni Val ang kaniyang mga karanasan kung paano siya nakatapos ng pag-aaral bilang summa cum laude at class valedictorian habang working student.

Nauntag ng hosts na sina Ryan Agoncillo, Allan K, Paolo Ballesteros at Miles Ocampo kung ano bang balak niyang gawin after college.

"Kasi Public Administration ‘yong course eh. Are you gonna go into politics?" urirat ni Ryan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sagot ng UP graduate, "Parang gusto ko na lang mag-artista. Tapos pag sumikat ako, tumakbo ako sa politics."

Sinabi naman ni Joey De Leon na maganda raw ang pagpapalaki ng mga magulang kay Val.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Best sarcastic answer hahaha."

"Paging sa mga artistang naging retirement plan ang pagpasok sa politics kapag wala nang ganap sa showbiz!"

"Personality politics. Hindi naman siguro mahirap intindihin yung pagkasarkatisko n'ya. Tamaan na ang tamaan."

"Oooppsss baka may tamaan, nandiyan mismo sa show!"

"He is practical and realistic hahaha... patama."

"Mindset ba, mindset!"

"Madaming natamaan boy hahahahahaha."

Sa Pilipinas, marami sa mga artista o sikat na personalidad ang pinasok na rin ang mundo ng politika.

Mapapanood ang nabanggit na segment sa opisyal na Facebook post ng TVJ.

Nag-trending naman ang valedictory speech ni Val dahil sa kaniyang mapanghamong mensahe sa lahat.