Halos araw-araw kung magpakawala ng mga birada at pasaring si "E.A.T." host Joey De Leon, laban sa kanilang nilayasang programang "Eat Bulaga!" na nasa pamamahala ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) at umeere sa GMA Network.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng TAPE na nasa kanila pa rin ang karapatang-ari sa titulo at trademark na "Eat Bulaga!" hanggang sampung taon, matapos itong i-renew ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).

Simula naman nang mangyari ang sigalot sa pagitan ng TVJ at TAPE ay hindi pa rin naman talaga tuluyang nanahimik si Joey sa pagpapakawala ng cryptic posts.

Noong Agosto 10, muli siyang nagparinig tungkol sa "fake."

National

DND, pinabulaanan ang malisyosong video tungkol kay PBBM

"Napapanahong kasabihan: “FAKE EAT AND LIVE EAT!” 😛😜😊🤣😋," aniya.

https://twitter.com/AngPoetNyo/status/1689476381984559109

Agosto 11, muli na naman siyang bumanat.

"B O is Be Original. Kapag dalawa na kayo, eh di B O B O na yung isa! 🤪 Ngek!," aniya.

https://twitter.com/AngPoetNyo/status/1689803798984994816

Sa isa pang X post, ibinahagi niya ang larawan nila ng TVJ.

"Creativity is seeing something that does not exist already. We have been existent for 44 years! WALA BA KAYONG MGA MATA? Be creative! 😗"

https://twitter.com/AngPoetNyo/status/1689997656226209792

Nitong Agosto 12, muling inungkat ng "Henyo Master" ang pagbuo niya sa titulo ng programa noong 1979.

"Sabi ni Albert Einstein, 'Creativity is intelligence having fun.' Korek! In 1979, I was having fun creating the title 'Eat Bulaga'. Fast forward… BULAGA! Akalain ba n'yong after nearly FIVE decades pinag-uusapan, pinag-aagawan at pinag-aawayan pa! Sikat na sikat kami! A different kind of fun! Happy problem? Abangan!"

https://twitter.com/AngPoetNyo/status/1690323841023950848

Sa isa pang X post, ibinahagi niya ang buong litrato nila ng "E.A.T." hosts.

"DA BARKADS AN ORIGINAL DA ADERS UNORIGINAL," aniya pa.

https://twitter.com/AngPoetNyo/status/1690499215439593472