Napitikan ng Hubble Space Telescope ng NASA ang kamangha-manghang imahen ng lenticular galaxy NGC 6684 na matatagpuan umano 44 million light-years ang layo mula sa Earth.

Sa isang Instagram post, ibinahagi nito ang larawan ng “Ghostly Haze” galaxy habang nakapaligid dito ang mga bituin.

“Lenticular galaxies possess a large disk but lack the prominent spiral arms of galaxies like the Andromeda galaxy,” anang NASA. 

“This makes them appear somewhere between elliptical and spiral galaxies, giving them a diffused ghostly look,” saad pa nito.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kamakailan lamang, nagbahagi rin ang NASA ng mga larawan ng planetang Mars, kung saan naispatan umano ang “hexagonal mud cracks” na tinitingnan ng scientists na maaaring unang ebidensya na mayroon itong “wet-dry cycles” katulad ng Earth.

MAKI-BALITA: NASA, naispatan ang umano’y ‘mud cracks’ ng Mars