Tila maraming naka-relate sa viral Facebook post ng isang content creator at event host na si "Grace Rubis" nang ibahagi niya ang kaniyang realisasyon matapos mag-withdraw ng pera sa ATM, nang minsang namamasyal siya sa mall.

Ayon sa kaniyang realisasyon, dati raw ay hindi niya magawang makapaglabas ng pera kapag may nais siyang bilhin habang namamasyal. Subalit ngayon, hindi na niya nararanasan ang tinatawag na "petsa de peligro."

Petsa de peligro ang tawag sa alanganing pera o budget dahil hindi pa suweldo o hindi pa dumarating ang kita, kaya kailangang magtipid-tipid, at 'ika nga, magtipid ng sinturon.

"Hindi na tayo nape-petsa de peligro..." ani Grace sa kaniyang post.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Nung nag mall ako kanina, nagwithdraw ako ng 1k para lang may cash pag may magustuhan ako. Then it hit me, hindi na ko napepetsa de peligro."

"Naalala ko dati may time na kahit kailangan ko ng cash, wala akong mahuhugutan. Kahit may gusto akong bilhin, hindi ko pwede bilhin agad."

"Then here I am today, withdrawing just because I want to have some money to shop and it's not even payday!"

Ang kaniyang Facebook post ay para sa mga kagaya raw niya ang pinagdaanan sa buhay. Aniya, kailangang ipagdiwang ang mga ganitong milestone sa buhay.

"Kaya baka pareho tayo, na minsan naiistress kasi di pa kalakihan ang ipon, minsan feeling left out na sa mga batchmates at friends... let me remind you na at least di na tayo saktuhan ngayon."

"Di na tayo nape-petsa de peligro."

"So let's celebrate this milestone in our life!"

"Congrats self! We've come a long way!"

"Malayo pa, pero malayo na talaga!"

Sa comment section, nagpahabol pa si Grace para sa mga taong may pinagdaraanan ngayon sa usaping pinansyal.

"May this also inspire anyone na mejo stressed sa finances nila, makakausad ka rin."

"Kaya just keep on grinding and being more conscious with your finances, magbubunga din lahat."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na naka-relate sa kaniya, batay sa comment section ng post.

"Pacopy po, sobrang natuwa ako huhu! Sana lahat na ganito."

"It's very true to me but I don't congratulate myself, I give all the Glory and Honor to God. Thank you Lord!"

"It hits different pa kapag bunga ng hustle and grind mo yung pera mo."

"Thank you Lord for all the blessings maliit man po o malaki. Forever grateful."

"Babalikan ko 'tong post na 'to. Promise! šŸ™šŸ«¶āœØFor now save ko muna ito."

"Amen! Yung iba kasi, akala nila it takes having millions or you ought to be earning 6-digits to be considered as financially blessed. But even as being in a state na di mo na nae-experience ang petsa de peligro - that is also a financial blessing from God!"

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 22k reactions, 20k shares, at 1.5k comments ang nabanggit na viral post ni Grace.

Kung nais suportahan si Grace sa kaniyang contents, mangyaring magtungo lamang sa kaniyang opisyal na Facebook page.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ā€˜di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingĀ FacebookĀ atĀ Twitter!