Usap-usapan ang naging Instagram post ni Kapuso star Carla Abellana hinggil sa "one of the hardest lessons in life" batay sa kaniyang personal na karanasan.

Wala ngang kaabog-abog na biglang nag-Instagram post ng kaniyang video si Carla na tumagal lamang ng ilang segundo.

Wala itong word caption kundi isang light bulb emoji lamang.

Aniya, "One of the hardest lessons in life is to forgive someone who was never truly sorry."

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

Hindi naman nagbigay ng kahit na anong hint ang aktres kung bakit niya ito nasabi at kung sino ang pinatutungkulan niya.

Matatandaang lumikha ng ingay ang naging hiwalayan nila ng estranged husband na si Kapuso actor Tom Rodriguez, tatlong buwan matapos silang ikasal, bagay na lubhang ikinagulat ng publiko.