Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang probinsya ng Batanes nitong Linggo ng umaga, Agosto 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 9:43 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 38 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Sabtang, Batanes, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Pasuquin, Ilocos Norte.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol, ngunit hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.