Anti-smoke belching op, isinagawa ng MMDA sa Parañaque
Nagsagawa ng roadside smoke emission test ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Parañaque City kamakailan.
Paliwanag ng Anti-Smoke Belching Unit ng MMDA, layunin ng operasyong matiyak na hindi nagbubuga ng polusyon sa hangin ang mga sasakyan sa lungsod.
Sa nabanggit na operasyon, nasa 23 sasakyan ang dumaan sa emission test kung saan 20 ang pumasa.
Tatlo ang pinagmulta ng MMDA matapos bumagsak sa pollution test.
Kaugnay nito, nanawagan ahensya na suportahan ang nasabing kampanya bilang pagtugon sa Republic Act 8749 (Philippine Clean Air Act of 1999) para sa malinis at ligtas na hangin.