Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Agusan del Sur nitong Linggo ng gabi, Agosto 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 7:27 ng gabi.
Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Sibagat, Agusan del Sur, na may lalim na 7 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Sibagat, Agusan del Sur, habang Intensity II sa City of Bayugan at Esperanza, Agusan del Sur.
Naitala naman ang Intensity I sa San Miguel, Surigao del Sur at sa City of Butuan.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.