Apat ang nasawi sa northern provinces ng bansang Yemen dahil sa kidlat, ayon sa mga lokal na opisyal nitong Linggo, Agosto 13.

Sa ulat ng Xinhua, inihayag din umano ng local health authorities na apat pa ang nasugatan sa magkakahiwalay na insidente ng kidlat sa mga probinsya ng Hodeidah, Raymah, at al-Bayda nitong Sabado ng gabi, Agosto 12.

Ilang linggo na umanong nakararanas ng mga kidlat, pag-ulan, at pagbaha ang hilagang bahagi ng Yemen.

Dahil dito, naglabas na ng babala ang National Center of Meteorology ng nasabing bansa sa thunderstorms sa ilang probinsya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Pinayuhan umano ang mga residenteng manatili sa loob ng mga gusali o sa kanilang bahay upang maiwasan ang kidlat tuwing at pagkatapos ng pag-ulan.