Nilagdaan ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa responsableng panonood nitong Biyernes, Agosto 11.

Pinangunahan nina Mayor Eric Olivarez at MTRCB Chairperson Diorella Maria “Lala” Sotto ang paglagda sa naturang kasunduan sa Parañaque City Sports Complex.

Sa ulat ng City Information Office - Parañaque, nakasaad umano sa MOU ang partnership ng Parañaque LGU at MTRCB sa pagsusulong ng responsableng panonood ng telebisyon, lalo na sa kabataan.

Nagpasalamat naman si Olivarez sa MTRCB na nagiging katuwang umano ng lungsod sa pagprotekta sa “moral character" at "personal development” ng kabataan sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programang nagsusulong ng “responsible viewing habits.”

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Bukod sa nasabing paglagda ng MOU, nagsagawa rin ang MTRCB ng isang seminar hinggil sa responsableng panonood, kung saan 200 ang naging kalahok na binubuo ng mga mag-aaral at magulang.

Tinalakay umano sa naturang seminar ang tungkol sa classification ratings ng MTRCB, maging ang layunin ng “Responsableng Panonood” program na isinusulong ng ahensiya at ang paggamit ng digital platforms at digital parenting styles.