Nasa ₱100,000 financial assistance ang ibibigay ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa overseas Filipino worker (OFW) na ina ng isang 17-anyos na lalaking napatay ng mga pulis-Navotas City kamakailan.

Sa social media post ng DMW, bukod sa nasabing tulong pinansyal, aakuin na rin ng dalawang ahensya ng gobyerno ang gastos sa pagpapalibing kay Jemboy Baltazar.

Dumating sa bansa ang ina ni Jempoy na si Rodaliza Baltazar mula sa Doha, Qatar, sakay Philippine Airlines flight PR685 nitong Huwebes ng umaga.

Umuwi sa Pilipinas ang naturang OFW matapos mabalitaan ang sinapit ng kanyang anak.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Si Jemboy ay napatay ng anim na pulis matapos tamaan ng bala sa ulo.

Nauna nang naiulat na napagkamalan ng mga pulis na si Jemboy ang hinahabol na suspek nitong Agosto 2.

Dahil sa insidente, sinibak na sa kanilang puwesto ang anim na pulis na nahaharap na sa kasong homicide.