Matunog ang usap-usapang nag-advance taping na raw si Kapamilya star Lovi Poe para sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo) bago tumulak ng Europa para sa paghahanda sa nalalapit nilang kasal ng afam na fiancé.

Ginagampanan ni Lovi ang karakter ni "Mokang/Monique)" na love interest ni "Tanggol," na ginagampanan naman ng lead star at direktor nitong si Coco Martin.

Sa latest episode ng serye, pumayag na si Mokang na mapatali kay "Don Ramon," ang unknown father ni Tanggol na ginagampanan naman ni Christopher De Leon.

Kamakailan nga ay ibinahagi ni Lovi sa kaniyang Instagram post ang engagement nila ng British boyfriend na si Monty Blencowe.

National

VP Sara, wala nang balak maging miyembro ulit ng gabinete; PBBM, nag-react

Sa latest IG post ni Lovi ay ibinahagi niyang nasa London, United Kingdom na siya.

Kaya marami ang napapatanong ngayon kung tuluyan na bang aalisin sa serye ang karakter ni Lovi? Magkakaroon ba ng bagong leading lady si Coco?

Hindi naman na bago ang pagpapalit-leading lady sa serye ni Coco na nangyari na sa "FPJ's Ang Probinsyano."

Magmula kay Maja Salvador, naging si Yassi Pressman, at ang ending ay si Julia Montes.