Ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz ang itinanghal na "Best Actor" sa 76th Locarno Film Festival na ginanap sa Locarno, Switzerland kamakailan.

Napansin ng mga hurado ang mahusay na pagganap ni Lloydie sa pelikulang "Essential Truths of The Lake" na idinirehe ni Lav Diaz.

Nagpaabot naman ng pagbati ang "Film Development Council of the Philippines" o FDCP, sa pangunguna ng Chairman nitong si Tirso Cruz III, para sa aktor sa lahat ng bumubuo ng pelikula.

"CONGRATULATIONS! John Lloyd Cruz wins the Boccalino d'Oro prize (Golden Jug Award) for Best Actor at the 76th Locarno Film Festival for his remarkable performance in Lav Diaz's "Essential Truths of the Lake," the country's representative in the main competition of the festival."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"With this prize, Cruz becomes the second Filipino actor to have received such award after Hazel Orencio in 2014 for another Diaz's film 'Mula sa Kung Ano Ang Noon' (From What is Before)."

"It is with great joy and pride that I congratulate one of the most talented artists of our country, Mr. John Lloyd Cruz, for having won the Boccalino d'Oro prize (Golden Jug Award) for Best Actor at the 76th Locarno Film Festival (LFF) in Switzerland," ani Tirso.

"This award is much deserved by an artist of his caliber. Lloydie, congratulations and thank you for bringing honor to our country," dagdag pa niya, na mababasa sa opisyal na Facebook page ng FDCP.

Sa Instagram page naman ng pelikula ay makikita ang litrato ni Lloydie habang hawak niya ang natanggap na tropeo mula sa film festival.

"John Lloyd Cruz holding his Boccalino trophy. We are very proud of you!" mababasa sa caption.

Pagbati, Lloydie!