Isang bomb alert umano ang nag-udyok sa mga turistang lisanin muna ang tatlong palapag ng Eiffel Tower sa Paris, France nitong Sabado, Agosto 12.

Sa ulat ng Agence France-Presse, inihayag ng SETE, ang nagpapatakbo sa site, na sinuri ng bomb disposal experts at mga pulis ang lugar, kabilang na ang restaurant na matatagpuan sa isa sa mga palapag nito.

Dahil dito, inilikas umano ang mga turista mula sa parehong tatlong palapag at parisukat sa ilalim ng monumento dakong 1:30 ng hapon (1130 GMT).

Ibinahagi naman ng tagapagsalita ng SETE na ang ginawa nilang pagsusuri ay isa umanong karaniwang pamamaraan sa naturang uri ng sitwasyon na bihira naman para sa kanila.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Tinuturing ang Eiffel Tower na pinaka-simbolo ng France, kung saan nagkaroon umano ito ng 6.2 milyong bisita noong nakaraang taon.