Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Sabado ng madaling araw, Agosto 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 3:05 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 132 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 113 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

National

Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.