Umabot sa 380 sakong basura ang nakolekta ng mga tauhan ng Department of Public Services sa clean-up drive sa Manila Bay nitong Biyernes, Agosto 11.
"Patuloy pa rin ang paglilinis ng ating mga kawani sa Department of Public Services ng ating mga estero pati na rin ang ilang bahagi ng Manila Bay," ayon sa pahayag ng Manila Public Information Office (PIO).
Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'
Nasa 80 sakong basura ang nahakot malapit sa Harbor View.
Nakakolekta rin ng 300 sakong basura na katumbas ng 7,500 kilo malapit sa Roxas Boulevard.
Kaugnay nito, nanawagan ang Manila City government sa mga residente na i-segregate ang kanilang basura at itapon sa tamang lugar upang hindi bumara sa mga drainage at hindi madagdagan ng polusyon ang Manila Bay.
Diann Ivy Calucin