Kinondena ni Senador Christopher "Bong" Go ang naging pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard (CCG) sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal, at nanawagan sa China na itigil na ang pambu-bully sa Pilipinas.

“I strongly condemn the recent harassment incident on our Philippine Coast Guard (PCG). That’s why I call on them to stop bullying us,” ani Go sa isang panayam sa Pangasinan nitong Huwebes, Agosto 10.

Binanggit din ni Go na mataas daw ang respetong ibinigay ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa China sa nakalipas na anim na taon, kaya’t umaasa raw siyang ibabalik ng dayuhang bansa ang respeto sa Pilipinas.

"I hope you will also respect our country. It's not like just because we're a small country, you will just bully us," panawagan ng senador.

National

Harry Roque, isasama arrest warrant ng korte sa pag-apply niya ng asylum sa Netherlands

Samantala, sinabi rin ni Go, miyembro rin ng Senate Foreign Relations Committee, na mahalagang magkaroon ng diplomatikong relasyon ang mga sangkot na bansa upang matugunan umano ang nasabing isyu.

"The Senate can only express its sense on the matter. But President Marcos is still the chief architect of our foreign policy. He’s the only one who knows and who can resolve this in a peaceful manner,” saad ng senador.

Matatandaang Agosto 2 nang atakihin umano ng CCG ang barko ng PCG na nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.

MAKI-BALITA: PCG vessel, binomba ng tubig: China Coast Guard, kinondena ulit ng Pilipinas

Kaugnay nito, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kamakailan na patuloy na igigiit ng pamahalaan ang “territorial rights” ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

“That has always been our stand. But we still have to keep communicating with the Chinese government, with President Xi, with Beijing. We still have to keep communicating with them because we need to really come to a conclusion,” saad ni Marcos.

MAKI-BALITA: ‘Matapos ang pag-atake ng Chinese Coast Guard’: PBBM, iginiit soberanya ng ‘Pinas sa WPS