[embed]https://balita.net.ph/2023/08/10/17-anyos-na-binatilyo-napagkamalang-suspek-napatay-ng-pnp/[/embed]
"Mayroon pa ring silent tokhang sa ilalim ni Pangulong Bongbong Marcos. Cops acting like murderous and trigger-happy criminals still enjoy being above the law. We call for justice for Jemboy's family and the speedy and proper resolution of the case," anang pangulo ng Akbayan na si Rafaela David.
Kaugnay nito, sinabi ni David na ang karahasan sa mga mamamayan sa hanay ng pulisya ay hinimok at pinalaki umano noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Muling nanawagan ang Akbayan na harapin ng dating pangulo ang International Criminal Court o ang ICC.
"Violence against citizens among the police was encouraged and bred during the time of Duterte. He must face the ICC and answer for every drop of blood on his hands. Dozens of children were killed during his senseless war on drugs, and these children died because Duterte encouraged officers to use violence without restraint. And now, we have a government that tolerates this cycle,” dagdag pa ni David.
Nabanggit din ng Akbayan ang tungkol sa pagkamatay ng 17-anyos na si Kian delos Santos sa ilalim ng administrasyong Duterte noong Agosto 16, 2017.
"Kian died under Duterte, Jemboy under BBM. There may be no explicit tokhang policy today but the extrajudicial killings continue. Huwag nating payagang umiral ang ganitong sistemang pumapatay sa mga Pilipino, lalo na ang mahihirap at mga kabataan," ayon pa kay David.