Apat na beses pang nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon simula nitong Huwebes hanggang Biyernes ng madaling araw.

Sa website ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagkaroon din ng 168 na pagyanig ang bulkan, 180 rockfall events at tatlong pyroclastic density currents (PDC).

Umabot sa 3.4 kilometro ang ginapangan ng lava sa Bonga Gully at 2.8 kilometro naman ang naapektuhan nito sa Mi-isi Gully.

Nasa 1,905 pang tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Mayon Volcano sa nakaraang 24 oras.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sarado pa rin sa publiko ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil na rin sa nakaambang pagputok nito at pagpapakawala ng lahar sakaling magkaroon ng matinding pag-ulan.

Idinagdag pa ng ahensya, nananatili pa sa Level 3 ang alert status ng bulkan.