Ibinahagi ng Kapamilya singer na si Erik Santos nitong Biyernes ang tungkol sa pagpanaw ng kaniyang ama.

Pumanaw ang ama ni Erik na si Renato noong Huwebes, Agosto 10 base sa Instagram post ng singer.

Kapamilya singer Erik Santos, nagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang Nanay Lits

“Our beloved Tatay has now joined our Creator,” saad ng Kapamilya singer.

“Mahal na mahal kita, Tay,” dagdag pa niya.

Hindi nabanggit ni Erik ang dahilan ng pagpanaw ng kaniyang 70-anyos na ama.

Matatandaang noong Nobyembre 2022 pumanaw ang kaniyang ina na si “Nanay Lits” dahil sa lung cancer.

Samantala, nag-abot ng pakikiramay ang ilan sa malalapit na kaibigan sa showbiz at ang mga netizen kay Erik.