Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Agosto 10, na 50.34% o 2,133 sa 4,237 examinees ang pasado sa August 2023 Mechanical Engineering Licensure Exam.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Roy Christian Pasco Oro mula sa Cebu Institute of Technology - University bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 94.60% score.

Samantala, hinirang na top performing school ang De La Salle University - Manila matapos umano itong makakuha ng 96.88% overall passing rating.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Agosto 5 hanggang Agosto 6 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, at Zamboanga.
Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño