Nagkomento si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa latest health updates ni Queen of All Media Kris Aquino nitong Huwebes, Agosto 10.
” I chose the midpoint between my mom’s 14th death anniversary and my dad’s upcoming 40th death anniversary to THANK ALL OF YOU who continue to PRAY for my recovery,” ani Kris sa kaniyang Instagram post.
“My dad immediately died after being shot while descending the stairs to the tarmac of what was then Manila International Airport, 21 August 1983. My Mom died of Stage 4 colon Cancer on 1 August 2009. Upon initial diagnosis our mom was given 3 months BUT she fought hard, knowing her 5 kids weren’t ready. Our Mom underwent all the most painful treatments and God granted us 17 more months. It’s been 17 months since my Churg Strauss/EGPA diagnosis.”
Ibinahagi ni Kris ang pag-take niya ng ilang mga gamot, na tinitiis niya para lamang umayos ang kaniyang pakiramdam. In fairness ay mataas ang pain tolerance niya.
Nagpasalamat si Kris sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para sa kaniya. Aniya, gagawin daw niya ang lahat upang patuloy na magkaroon ng “remission” at “better quality of life,” bagama’t hindi na nagagamot ang autoimmune disorders.
Sa comment section ay kinakiligan naman ng mga netizen ang komento rito ni Leviste, na "ex-partner" ni Kris.
"Kids and I will always be by your side…for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, to love and to cherish [FOREVER]," aniya.