Idinonate umano ang kabaong ng yumaong si voice actor JM Canlas sa 17-anyos na binatilyong si Jerhode Jemboy Baltazar na napatay ng mga pulis matapos mapagkamalang suspek sa Navotas City.

“Ang galing mo talaga JM!  Jm donated his casket to Jerhode Jemboy Baltazar, also 17 yrs old—an EJK (extrajudicial killings) victim,” pahayag ng nakatatandang kapatid ni JM na si Jerom sa isang Facebook post.

“Salamat po sa pagtulay mga kaibigan sa RESBAK, Paghilom, at AJkalinga Foundation Inc. Sigurado akong sumisigaw ng hustisya ang bunso namin sa langit,” dagdag niya.

Pinagbabaril umano ng mga pulis ng Navotas City Police ang 17-anyos na si Baltazar noong Agosto 2 sa Brgy. Kaunlaran habang inaayos nito ang gagamiting bangka sa pangingisda kasama ang kaniyang kaibigan.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Noong mga oras na iyon, may tinutugis umano ang mga pulis na isang suspek, na batay sa impormasyong kanilang natanggap, ay nasa isa raw bangka sa nasabing barangay.

MAKI-BALITA: 17-anyos na binatilyo napagkamalang suspek, napatay ng PNP

“The police officers failed to positively identify the target and immediately opened fire on the two youngsters on the boat,” ani Jerom sa post.

“When the shooting stopped, the police officers did not even bother to verify or retrieve the boy who fell into the water and kept onlookers at bay,” saad pa nito.

Matatandaan namang inanunsyo ng pamilya ni JM kamakailan ang pagpanaw ng voice actor noong Agosto 3 sa edad na 17-anyos, kapareho ng edad ni Baltazar.